Gerona


Ang unang barya ng First Philippine Republic ay ginawa sa Abagon, Gerona noong 1898



TRIVIA: Ang unang barya ng First Philippine Republic ay ginawa sa Abagon, Gerona noong 1898!

Ang Paontalon (orihinal na pangalan ng Gerona) ay naging parte ng Paniqui, na parte naman ng Pangasinan noong 1700s. Ang “Paontalon” ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang Negrito na noon ay malayang namumuhay sa lugar na ito.

Noong nagsimula ang 1800s ay unti-unti nang dumadami ang populasyon ng Paontalon dahil sa mga dahuyan mula sa iba’t-ibang lugar partikular na ang Ilocos.

Kinalaunan ay tinawag naman itong “Barug” na ang ibig sabihin sa salitang Pangasinan ay maliit na kagubatan o “Pugo” sa Ilokano. Mas kinilala ang “Barug” dahil mas marami ang Pangasinense kaysa Ilokano.

Sa mga panahon narin ito dinala ng mga Dominikano ang patron na si Saint Catherine. Ang pari mula sa Paniqui ay pumupunta sa Barug isang beses isang lingo upang magdaos ng misa.

Noong July 14, 1845 ay pormal nang naging Independent Municipality ang Gerona sa pamumuno ni Don Anacleyo Melegrito bilang unang Gobernadorcillo.

Ang Gerona ay mula sa Spanish Governor General Narciso Claveria, na taga Gerona, Spain. Taliwas ito sa ibang paniniwala na ang pangalang Gerona ay mula sa isang uri ng ibon na “heron”.



References:

Cojuangco, Tingting. “Once upon a Time in Tarlac | Philstar.Com.” Philstar.Com, Philstar.com, 3 June 2007, https://www.philstar.com/lifestyle/travel-and-tourism/2007/06/03/3900/once-upon-time-tarlac. Accessed 14 June 2019.

“Town History | Gerona Tarlac.” Gerona Tarlac | Serbisyong Totoo, https://geronatarlac.gov.ph/town-history/. 




Tingnan ang post sa facebook.

Comments

Labels

Show more