Anao, minsan ay naging baryo ng Paniqui
Ang bayan ng Anao ay orihinal na parte ng Pangasinan. Sagana ito sa mga sapa (creek) at mga puno ng balate kung kaya naman “Balete” ang unang pangalan nito.
Naglaon ay tinawag naman itong “Danao” ng mga dayuhan mula Ilocos Norte na ang ibig sabihin ay sapa.
Noong 1800s, ang Paniqui ay nagsimula sa pagpapalawak ng mga kalsada na humahantong sa direksiyon ng Anao. Kinilala ng Paniqui ang Anao bilang isang baryo nito at malugod namang tinanggap ng mga tao na ang kanilang lugar ay bahagi ng Paniqui.
Taong 1870 ay nagpasya ang mga taga Anao na maging isang munisipalidad. Ngunit sa di inaasahan, pumutok ang rebolusyon at panandaliang ibinalik ang estado ng Anao bilang baryo ng Paniqui.
Sa taong 1899 ay pormal nang naging isang munisipalidad ang bayan ng Anao sa pangalawang pagkakataon.
Ang iba pang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalang Anao ay “anaoang” na kagamitan sa pagluluto ng mga tubo upang maging asukal at “anahaw”, isang uri ng palm tree.
Marahil ay wala pa ang mga Ylang Ylang noon.
Tingnan ang post sa facebook. ←
Comments
Post a Comment