Salomague
Christmas Attraction in Barangay Salomague. Photo/M. Mamucod |
Ang pangalan ng barangay ay nagmula sa puno ng sampalok na tinatawag ng mga Pangasinense na "salomague" na noon ay napakarami sa lugar na ito. Sa mabilis na paglago ng papulasyon, itinatag ito bilang barrio noong 1901 pagkatapos ng Philippine-American War.
Ayon sa available na dokyumento, ang unang nanirahan dito ay ang pamilya ni Don Paponcio Feliciano at sumunod naman ang mga Oliveros, Peralta, Villegas, Valdez, Salvador, De Vera, De Guzman, Balacang, Flores, Mamucod, Santos, Bromeo at Hilario.
Meron itong Tenencia o iyong lugar kung saan nagpupulong ang mamamayan para pag-usapan ang mga pangyayari at ang mga hindi pagkakaunawan ng mga naninirahan dito. Ang Teniente del Barrio ang responsable sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Ang mga naunang Teniente del Barrio:
Pablo Hilario
Lucio Valdez
Doroteo Salvador
Hermogenes Dela Cruz
Julian Santos
Ignacio Oliveros
Jacinto Luis
Braulio Salvador
Sancho Dizon
Hermogenes De Guzman
Simplicio Feliciano
Isaac Balacang
Ang Barangay Salomague ay hindi gaanong naapektuhan noong panahon ng giyera kung kaya't naging evacuation center ito lalo na ng mga taga sentro ng bayan. Dahil ang lugar na ito ay nasa daan papuntang Camiling, nagsilbi itong camping place ng mga sundalong Amerikano.
Comments
Post a Comment