Balaoang Kabalawangan
Sa kadahilanang kulang o "hindi available" ang anu mang talaan ng kasaysayan ng Barangay Balaoang, ang mga impormasyon ay mula sa mga mamamayan nito na mula edad 75 pataas na naninirahan at lumaki sa lugar na ito. Ayon sa kanila, ang mga unang nanirahan dito ay ang mga pamilyang nagmula sa isang lugar sa La Union na tinatawag na "Balawan". Lumikas ang mga taga Balawan at napadpad sa lugar na ito malapit sa ilog. Tinawag nila itong "Kabalawangan" katulad din nang pinagmulan nilang lugar. Kinalaunan ay naitatag ito bilang isang barangay at tinawag na itong Balawang o Balaoang. May mga nagsasabi na ang pangalang Balaoang ay nagmula sa "bawang" o garlic sa ingles.
Samantala, kung titingnan ang kasaysayan at heograpiya, may bayan sa La Union na tinatawag na Balaoan na napapalitan ng baybay sa mga talaan ng kasaysayan bilang "Balaoang" o "Balauan".
Isang epikong istorya na kanilang pinaniniwalaan na nakakatuwa ngunit nakakainteres na pinagmulan ng pangalang Balaoan - "walang bala" o "wala nang bala". "Bala" o "bullets" sa ingles at "aoan" o "wala na" sa ilokano. Maaaring ito ang tinutukoy ng mga taga Balaoang, Paniqui na binaybay ng may letrang "w" - Balawan.
Ang Balaoang ay isa sa pinaka progresibong barangay ng Paniqui. Mayroon itong Post Office, palengke, covered court, Rural Health Center, Birthing Home, Day Care Center at Office of the Senior Citizens Affairs.
Dinarayo ito tuwing fiesta at binabansagan din na "pinaka mayamang barangay".

Comments
Post a Comment