Pagdating ng mga Thomasites sa Paniqui

Noong 1901 sa pamumuno ni Don Juan Colendrino bilang Presidente ng Paniqui, dumating ang mag-asawang Sargents na Thomasite. Ang Thomasites ay ang mga gurong Amerikano na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas para magtatag ng bagong sistema sa edukasyon. Nahanapan ni Don Juan Colendrino ng matutuluyang bahay ang mag-asawa, isang bahay ng "insurecto". Ayon sa mananalaysay ay maaaring ito ay bahay ni Don Gregorio Garcia na malapit sa palengke at nakaharap sa plaza. "Isang hagis ng bato" ang layo mula sa lokasyon ng Gabaldon ngayon (PNCES).

Ito ang mga detalye sa naisulat na alaala ng Amerikanong guro:

1. May mga sundalong Amerikano na naka pwesto sa kumbento at ang kanilang pinunong opisyal ay nakatira sa kanto ng parisukat [plaza]. 

(Ito ay maaaring ang lumang bahay ng mga Fernandez, kanlurang bahagi ng plaza).

2. Nadatnan nila ang dalawang guro sa nagiisang eskuwelahan at nagiisang silid-aralan sa silangang bahagi ng plaza na sina Don Elias Ubaldo at Doña Asuncion Bautista. 

(Ang bakuran ng pamilyang Bautista ay nasa loob mismo noon ng bakuran ng unang pampublikong paaralan ng Paniqui - Ang Gabaldon Elementary School).

3. Hiwalay ang lalake at babae sa klase. Ang mga babae ay balisa lalo na sa pagsasalita ng ingles. 

4. Binisita ng Gobernador ng Tarlac ang silid aralan ni Ginang Sargent pagkalipas ng buwan at namangha ito dahil sa nga natutunang ingles ng mga estudyante. 


Gabaldon School Paniqui, Tarlac
Gabaldon 1911 Photo/Annual Report of the Director of Education, 1911


Mula sa panulat ni Dr. Lino L. Dizon, Tarlac State University

Comments

Labels

Show more