San Carlos Teniente Fabian Carlos

Noong World War II, ang San Carlos ay naging isang evacuation center ng mga Paniqueño para maka iwas at magtago mula sa kalupitan ng mga Hapon.

Dating isang makapal na kagubatan at walang naninirahan sa lugar na ito. Naglaon ang panahon at dumating ang mag asawang Carlos. Kahit wala silang naging anak ay pinilit nilang mamuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng kamote, palay at mga gulay at pagaalaga ng manok at baboy. Dumaan ang mga taon at nakumbinsi nila ang ilan pa nilang mga kamag anak mula sa ibang lugar upang manirahan sa kanilang lugar.

Nang dumating ang kanilang mga kamag anak ay nagtatag sila ng isang baryo at naghalal ng isang pinuno na tinatawag na Teniente. Lahat sila ay pinili si Fabian Carlos upang maging kauna unahang teniente. Doon narin sinimulan ni Fabian Carlos gumawa ng mga batas na dapat sundin para sa kanilang baryo.

Hanggang lumago ang kanilang papulasyon at napagkaisahan ng lahat na tawagan itong Barrio San Carlos noong 1932 bilang paggalang sa unang nanirahan dito. Sa pagkakatatag nito ay dumalo ang mga opisyales ng bayan at probinsya kasama si Gobernor Alfonso Pablo.

Ang mga naging Tenientes Del Barrio hanggang 1953 ay sina:

Fabian CARLOS
Domingo GARBIN
Evaristo ESPEJO
Aniceto ESTEBAN
Macario PAGARIGAN
Prudencio LORENZO
Nicolas TAMAYO
Marciano GARBIN


History of Barangay San Carlos, Paniqui, Tarlac
Photo/Jan Paolo Peralta Pagarigan


Photo/Jan Paolo Peralta Pagarigan


Photo/Jan Paolo Peralta Pagarigan


Photo/Jan Paolo Peralta Pagarigan




“Barangays.” Municipality of Paniqui Tarlac | Official Website of Municipality Paniqui Tarlac, https://paniquitarlac.gov.ph/Barangays/. Accessed 13 October. 2021.


Tingnan ang post sa facebook. ←

Comments

Labels

Show more