Thomas Bright Embry


Thomas Bright Embry of Paniqui
Thomas Bright Embry

Dr. Embry ang tawag sa kanya ng mga mamamayan sa Paniqui noong siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa Clark Street dahil sa pagbibigay ng serbisyong medikal ng libre. Umabot sa punto na ang kanilang tirahan ay tila na isang hospital.

Si Thomas Bright Embry ay naging bahagi ng U.S. Military sa panahon ng Spanish-American War noong 1898 na naunang ipinadala sa bansang Cuba bago naitalaga sa Pilipinas. 

Noong 1908 ay napangasawa niya si Valentina Valdez at nagkaroon ng 9 na anak. Ang anak ni Thomas Embry na si Benjamin Embry ay kasama sa 26th Cavalry Troop C at nakaligtas sa Bataan Death March.

Noong World War II ay ang hindi magandang tagpo para sa mga Amerikano sa Pilipinas kung kayat itinago ng mga mamamayan ng Paniqui ang pamilyang Embry sa mata ng mga Hapon.

Noong September 18, 1945 ay namatay si Thomas Embry sa sakit na pneumonia at inilibang sa Paniqui Municipal Cemetery. Siya ang unang Amerikano na nailibing dito.


Benjamin Embry in Paniqui
Mga Pulis ng Paniqui noong 1968 kasama si Benjamin Embry (middle front row). Si Benjamin Embry ay ang Chief of Police noong si Peping Cojuangco ang Mayor. Photo/Mary Jane Del Valle Embry


Tingnan ang post sa facebook.

Comments

Labels

Show more