Tablang Unla tayo diman ed abong a tinabla
Noong panahon na sakop pa tayo ng mga Espanyol, ang ilog ng Tablang ay napakalalim. Dumadaloy ito hanggang timog na bahagi ng Lingayen Gulf. Ang mga produkto mula timog patungong hilaga at hilaga papuntang timog ay dumadaan dito gamit ang mga bangka bago daanan ang Acocolao, na noon ay ang sentro ng Bayan ng Paniqui. (Kung saan bininyagan si Sultan Alimudin ng Kristiyanismo).
Noong inilipat ang Paniqui mula Acocolao sa permanente nitong lokasyon kung nasaan ito ngayon, isang mayamang negosyante mula Lingayen na kilala bilang Don Alejo Reyna ay nagtayo ng isang malaking bahay na yari sa kahoy malapit sa ilog, katimugang bahagi ng kasalukuyang Burgos Street para maging bodega. Iyon lamang ang natatanging bahay noon sa buong paligid. Ang mga Pangasinense ay tinatawag itong "Abong a Tinabla" na ang ibig sabihin ay bahay na gawa sa kahoy o tabla. Kapag ang mga Pangasinense ay gustong pumunta sa lugar na ito ay sinasabi nilang, "unla tayo diman ed abong a tinabla". Naglaon ay tinawag na ng mga mamayan ang ilog na Tablang at naging sitio ito.
Nagkataon din naman na sa panahon ng Espanyol at Amerikano ay ang tulay ay gawa din sa tabla kung kayat nagpatuloy parin ang tao sa pagtawag na Tablang kahit wala na ang bahay ni Don Alejo Reyna.
Ang Tablang, bago naitatag bilang isang ganap na baranggay noong 1927 ay bahagi lamang ito ng barrio Poblacion, na ngayon ay Pob. Norte at Pob. Sur.
Photo/Wikimedia Commons |
Photo/Wikimedia Commons |
Comments
Post a Comment