Poblacion Norte Pugong Cadanglaan
Ang Poblacion Norte ay dating bahagi ng Barrio Poblacion. Ang POBLACION, noong unang panahon ay kilala sa tawag na Pugong Cadanglaan. Cadanglaan ang ibig sabihin ay sagana sa halamang lagundi o dangla. "Pugo" ay salitang ilokano na ibig sabihin ay gubat.
Ang Pugong Cadanglaan ay hindi sentro ng Paniqui noon dahil ang Pueblo de Paniqui ay ilang beses nagpalipat lipat ng lokasyon dahil sa mga himagsikan (revolt) at pag atake ng mga Negritos mula sa orihinal na lugar nito malapit sa Agno-Pampanga River hanggang lumipat sa Nagmisaan. Lumipat naman kinalaunan sa Acocolao. Hanggang permanente nang lumipat sa Pugong Cadanglaan kung nasaan ngayon ang simbahan, munisipyo at palengke.
Ang barrio Poblacion, sa mga unang taon nito ay kontrolado ng Presidente/Mayor ng Bayan ng Paniqui. Ngunit noong 1937, sa pamamagitan ng Commonwealth Act, pinag utos na ang lahat ng Poblacion sa Pilipinas ay gawing isang malayang barrio. Taong 1937 din sa pamamagitan ni Don Agustin Del Valle na noon ay Mayor ng Paniqui, hinati ang Poblacion sa dalawa bilang Poblacion Norte at Poblacion Sur.
Sa datos ng Brgy Pob. Norte, ang mga unang nanirahan dito ay ang mga Palaganas, Tiangsing, Villanueva, Agaton, Mendoza, Ilingan, Macaraeg, Ramos/Dinuga, Austria, Santillan, Marcelo/Palaganas, Obcena at Lising.
Mga naging Tenientes Del Barrio mula 1937 hanggang 1965 ay sina:
Lazaro de Aquino
Julian Ferrer
Alejandro Tawatao
Victor Jimenez
Cipriano Manaloto
Ciriaco Tiangsing
Alejandro Marcelo, Jr.
Ramon Valdez
George Recto
Pedro Arceo
Victor Jimenez
Cipriano Manaloto
Ciriaco Tiangsing
Alejandro Marcelo, Jr.
Ramon Valdez
George Recto
Pedro Arceo
“Barangays.” Municipality of Paniqui Tarlac | Official Website of Municipality Paniqui Tarlac, https://paniquitarlac.gov.ph/Barangays/. Accessed 13 October 2021.
Barangay Files
Comments
Post a Comment