Ang Lumang Munisipyo ng Paniqui at ang Typewriter


Ang Paniqui Presidencia (Presidencia ang tawag noon sa mga munisipyo) ay sinimulang itayo noong May, 1928 at natapos noong December sa kaparehas na taon. Ang unang palapag ay gawa sa konkreto at kahoy naman sa ikalawang palapag samantalang galvanized iron ang bubong. Ito ay may sukat na 12.80 by 24.0 meters. Ang kabuuang halaga ng pagpapatayo ay 38,624.84 Pesos.

Nasunog ang buong munisipyo noong madaling araw ng September 9, 1958.
Ngunit may isang bagay ang pinagtuunan ng pansin pagkatapos ng sakuna. Ito ay ang typewriter (Underwood typewriter model SX 161) na binili ng munisipyo ng Paniqui mula sa Smith Bell & Co. na nagkakahalaga ng 820 Pesos sampung araw lamang ang nakakalipas bago naganap ang sunog.

Samantalang ang typewriter ay hindi pa bayad, dumaan ito sa masusing imbestigasyon na kung ang makinilya ay kasamang nasunog o hindi totoong nai-deliver ng tagadala (courier, Phil.-American Freight Forwarding Services, Inc) sa munisipyo. Ngunit kinalaunan ay napatunayan din na ang typewriter ay totoong nai-deliver noong Sabado ng hapon, August 30, 1958 base sa mga patotoo ng mga taong nakakita at sa imbestigasyon sa mga nasunog na kagamitan.

Samakatuwaid, ipinag-utos ng korte suprema na may pananagutan ang munisipyo sa pagbabayad ng halaga ng typewriter.




References:

“G.R. No. L-17617.” The Lawphil Project - Arellano Law Foundation, Inc., https://www.lawphil.net/judjuris/juri1963/jun1963/gr_l-17617_1963.html?fbclid=IwAR3HQmPN5jEVBbFUrdFF5Zpq-O-cn7FNV1S6xo7Ak7H1c4cRf-PNc3P7lkc. Accessed 13 June 2019.

Supreme Court Reports, Annotated. Vol. 8, Central Book Supply, Incorporated, 1969, pp. 409–11.



Tingnan ang post sa facebook.

Comments

Labels

Show more