Paniqui Fashion School

Alam nyo ba na noon tuwing graduation ng Paniqui Fashion School ay pinapanood at dinarayo ito ng maraming tao dahil hindi lang ito basta isang graduation ceremony kundi dahil isa itong Fashion Show?!

Sinusuot ng mga magtatapos ang kanilang mga tinahing obra maestra! Unang magpapakitang gilas ang mga ga-graduate sa kanilang suot na damit pangkasal na may kasamang pang Groom at abay! Sa ilalim ng wedding gown ay may dalawa pang klase ng kasuotan. Sa entablado, huhubarin nila ang wedding gown at lilitaw naman ang isang filipiniana o baro't saya at sa loob noon ay meron pang sports attire! Ang pang finale, bongga! bathing suit!

Bago itinatag ang Paniqui Fashion School noong 1947, nagumpisa muna ito bilang dress shop. Dahil sa dami ng mga customers na ang iba ay mula pa sa ibang bayan, hiniling ng mga mamamayan lalo na ang mga kababaihan ng Paniqui na magbukas ng paaralan sa pagtatahi. Dito na nagbukas ang Paniqui Fashion School. Sumunod namang itinayo ang Wilhelmina Fashion School, Rebecca Fashion School at Tarlac Fashion School. Sa pagdaan ng panahon ay maraming nagtapos ng dressmaking, tailoring at cosmetology. Karamihan sa kanila ay nakapagtayo ng kanilang sariling shop at naging maunlad pati sa ibang bansa.

Paniqui Fashion School, Paniqui, Tarlac













Tingnan ang post sa facebook.

Comments

Labels

Show more