Ang Kasaysayan ng Tren at ang Lumang Railroad Crossing


History of Train Station in Paniqui, Tarlac | Philippine Railways


Alam nyo ba na ang Railroad Crossing Signal na ito na makikita sa daan papuntang Brgy. Matalapitap o lugar na kung tawagin ay “Riles” ay maaaring 100 years old na?

Sinimulang inilapat ang mga riles ng tren para sa linya ng Manila-Dagupan noong 1891.

Noong November 24, 1892 naman nakumpleto at nagsimula ang operasyon ng bahagi ng Gerona–Paniqui hanggang Dagupan.

Taong 1923 naman ay itinaas ng bahagya ang mga riles ng tren mula Paniqui hanggang Bayambang.

Pagpasok ng dekada 70 ay unti-unti ng napapabayaan ang mga linya dahil ang pamahalaan ay nagsimula ng gumawa ng mga highways at mas marami ng mabibilis na sasakyan at eroplano.

Taong 1988 naman ay nagsimula ng abandunahin ang mga bahagi ng linya kabilang ang Paniqui.

Ang tawag noon sa Manila-Dagupan railway system ay Ferrocaril de Manila-Dagupan. January 8, 1917 ay naging Manila Railroad Company (MRRCo). Makikita pa hanggang ngayon ang mga simbolo ng MRRCo sa ilang mga natitirang estasyon ng tren gaya ng sa Calumpit, Bulacan. 1960s naman ay naging Philippine National Railways dahil sa Republic Act No. 4156.


 


References:

“Timeline of Philippine Railroad | Philippinetrains Wiki | Fandom.” Philippinetrains Wiki, https://philippinetrains.fandom.com/tl/wiki/Timeline_of_Philippine_Railroad?fbclid=IwAR0mUPqAazOv8fTm0Z0kNYQfjRep2ajbGL2WLwuT0TRn2jE3CzDnjZSh3Yk. Accessed 13 June 2019.

Research, Inquirer. “DID YOU KNOW: History of the Manila Railroad Company | Inquirer News.” INQUIRER.Net, https://newsinfo.inquirer.net/958256/did-you-know-history-of-the-manila-railroad-company?fbclid=IwAR12qsNhN1SUJmiWYHAb3p4Ygqi8nzX5i78cX__CQIsF9fc90UDcljuGzTs. Accessed 13 June 2019.

https://pnr.gov.ph


Tingnan ang post sa facebook.

Comments

Labels

Show more