Monumento ni Martin Co (Cojuangco)


Martin Co Cojuangco Monument in Paniqui, Tarlac

Alam nyo ba na bukod sa monumento (rebulto) nina Rizal, Bonifacio at Ninoy ay mayroon pang isang rebulto dito sa Paniqui na ang kanyang history ay nasusulat sa mga aklat ng kasaysayan at ang kanyang angkan ay may malaking papel sa istorya ng ating bayan?

Ito ang monumento ni Martin Co na matatagpuan sa YC compound (Ysidra Cojuangco) malapit sa makasaysayang terminal ng tren sa barangay Estacion.

Si Martin Co ang pinakamalinaw na direktang ninuno ng mga Cojuangco na nanggaling mula sa Xiamen, China noong 1800s.

Nakapangasawa si Martin ng isang mestiza na nagngangalang Andrea Mendoza. Nagkaroon sila ng anak na si Jose Cojuangco na mas kilala bilang "Inkong Jose."

Napangasawa ni Inkong Jose si Antera Estrella at nagkaroon sila ng mga anak na sina Ysidra, Melecio at Trinidad.

Bagamat hindi nagkaroon ng mga asawa ang dalawang babae na sina Ysidra at Trinidad, si Melecio ay nagkaroon ng asawa na si Tecla Chichioco at binayayaan sila ng apat na anak na sina 1. Jose (kilala bilang Pepe) 2. Juan 3. Antonio at 4. Eduardo. Ang huling tatlo ay ipinanganak mismo dito sa Paniqui.

Si Melecio Cojuangco ang kaunaunahang miyembro ng Lehislaturang Pambatasan (Assemblyman) ng Tarlac noong 1907.

Ang plaza ng Paniqui ay minsang pinangalanang Melecio Cojuangco Memorial Park.




References:

Business Mirror, Dec. 21, 2014
Phil Star, Lifestyle, Aug. 29, 2004
Tide and Time, Marisse Cojuangco Reyes



Tingnan ang post sa facebook.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Lumang Munisipyo ng Paniqui at ang Typewriter

Central Luzon High School

Labels

Show more