Baley na Ramos

Ang Bayan ng Ramos ay unang kilala bilang Bani. Dati itong baryo ng Paniqui. Naitatag lamang ito bilang isang Munisipalidad noong 1921 upang maging ika 17 na bayan ng lalawigan ng Tarlac sa bago nitong pangalan na Ramos, para sa alaala nina Don Geminiano Ramos at dating Governor Alfonso Ramos na siyang naunang nagasikaso upang maging isang ganap na bayan ito.

Sa maliit na bayang ito nakatayo sa gitna ng Poblacion Center ang isang kahanga-hangang istraktura, na nagbibigay inspirasyon sa sinumang nakakakita dito. Ito ang simbahang ng St. Therese of Child Jesus, na tinatawag na Wedding Church of the Century.

Ang Baranggay San Raymundo naman ay isang kilalang dinarayong pasyalan at piknikan dahil sa mga puno ng niyog at iba pang magandang “view” na ngayon ay ginagawa naring paboritong “background” para sa litrato ng mga ikakasal. Popular din itong tawagin na "bukohan".

Ang pangalang "Bani" ay pinaniniwalaang nagmula sa uri ng halamang gamot na “BANI-TAO o BANI-NUANG”.

History of Ramos, Tarlac
Photo/Wikipedia Commons







Comments

Labels

Show more