Ang Alamat ni Asiong at ng Barangay Barang


History of Barangay Barang, Paniqui, Tarlac


Isang grupo ng mga dayo mula sa Paoay, Ilocos Norte ang napadpad sa lugar ng kasalukuyang Barang noong 1775 sa pamumuno ni Simon Bayno via Camiling na noon ay isang progresibong baryo pa lamang ng Paniqui.

Tinawag ng mga dayong ito ang kanilang nadiskubring lugar bilang San Juan Del Monte bilang pagpupugay sa kanilang patron na si San Juan Del Mundo. “Monte” ay salitang Spanish na ang ibig sabihin ay burol o bundok sapagkat ang lugar na ito ay mala-bulubundukin na sinasakop ng makapal na kagubatan. Nagtayo ang mga dayuhang ito ng mga kalapaw o bahay-kubo at nilinis ang mga lugar na angkop para pagtaniman.

Sa maikling panahon lamang, ang grupo ng dayuhang ito ay naging isang komunidad at dumami ang populasyon at ang San Juan Del Mundo ay naging isang baryo noong 1795.

Noong 1805, isang panday mula sa Pangasinan na nagngangalang Asiong ang nagtungo sa lugar na ito upang itinda ang kaniyang mga “barang”. Ang barang ay salitang Pangasinense na ang ibig sabihin ay “bolo”. Alam ni Asiong na kailangan ng komunidad na ito ang mga bolo upang magamit sa paglilinis sa lugar, ngunit hindi siya marunong magsalita ng Ilokano. Nagkataon naman na ang “barang” sa Pangasinan ay tinatawag na “baddang” sa Ilokano! Marami sa komunidad ang bumili ng kaniyang paninda na madalas niyang isinisigaw, “Barang barang manaliw kayo’y barang”.

Simula noon, ang pinuno ng komunidad ay pinangalanang Barang ang kanilang lugar dahil sa malaking bolo na kaniyang binili mula sa isang Pangasinense. Si Asiong naman ay napangasawa ang isa sa mga anak ng pinuno!

Sitio San Juan Del Monte 1775
Baranggay San Juan Del Monte 1795
Barangay Barang 1805








Comments

Labels

Show more