Paniqui Rum

Alam nyo ba na naging sikat ang Paniqui noon dahil sa isang alak na gawa mismo sa ating bayan? Yes, MADE IN PANIQUI!

Sa kabila ng napakaraming lupain ng mga Cojuangco, naubusan sila ng cash pagkatapos ng digmaan. Isang araw, inimbitahan nila ang mga opisyal ng batalyong Amerikano na naninirahan din malapit sa Paniqui Sugar Mills sa baranggay Manaois para sa isang hapunan. Isa sa mga tauhan ng kumpanya ang pinaghalo ang panucha, alcohol at iba pang sangkap at inihain ito sa mga bisita. Nagustuhan ito ng mga Amerikano at itinanong nila kung saan ito nabibili. Dito na nagsimula ang PANIQUI RHUM. Magmula noon, linya linya na ang mga sasakyan ng mga sundalong Amerikano upang pumila at bumili ng alak.

Cheers!

Trivia:
Ang Paniqui Sugar Mills. Inc. ay itinatag noong 1928 at ang mga kagamitan nito ay imported pa mula Amerika. Itinayo ang Paniqui Sugar Mills dahil ang mga tubo mula sa mga malalawak ng pananiman ay ginagawa lamang na panucha.

Paniqui Rum from Paniqui Sugar Mills
Photo/Augusto Lozada Toledo II

Paniqui Rum
Photo/Ms. Betty Lising Madamba

Paniqui Rum
Photo/Ms. Betty Lising Madamba



Tingnan ang post sa facebook. 

Comments

Labels

Show more