Ang Paniqui Presidencia (Presidencia ang tawag noon sa mga munisipyo) ay sinimulang itayo noong May, 1928 at natapos noong December sa kaparehas na taon. Ang unang palapag ay gawa sa konkreto at kahoy naman sa ikalawang palapag samantalang galvanized iron ang bubong. Ito ay may sukat na 12.80 by 24.0 meters. Ang kabuuang halaga ng pagpapatayo ay 38,624.84 Pesos. Nasunog ang buong munisipyo noong madaling araw ng September 9, 1958. Ngunit may isang bagay ang pinagtuunan ng pansin pagkatapos ng sakuna. Ito ay ang typewriter (Underwood typewriter model SX 161) na binili ng munisipyo ng Paniqui mula sa Smith Bell & Co. na nagkakahalaga ng 820 Pesos sampung araw lamang ang nakakalipas bago naganap ang sunog. Samantalang ang typewriter ay hindi pa bayad, dumaan ito sa masusing imbestigasyon na kung ang makinilya ay kasamang nasunog o hindi totoong nai-deliver ng tagadala (courier, Phil.-American Freight Forwarding Services, Inc) sa munisipyo. Ngunit kinalaunan ay napatunayan din na ang t...
Christmas Attraction in Barangay Salomague. Photo/M. Mamucod Ang pangalan ng barangay ay nagmula sa puno ng sampalok na tinatawag ng mga Pangasinense na "salomague" na noon ay napakarami sa lugar na ito. Sa mabilis na paglago ng papulasyon, itinatag ito bilang barrio noong 1901 pagkatapos ng Philippine-American War. Ayon sa available na dokyumento, ang unang nanirahan dito ay ang pamilya ni Don Paponcio Feliciano at sumunod naman ang mga Oliveros, Peralta, Villegas, Valdez, Salvador, De Vera, De Guzman, Balacang, Flores, Mamucod, Santos, Bromeo at Hilario. Meron itong Tenencia o iyong lugar kung saan nagpupulong ang mamamayan para pag-usapan ang mga pangyayari at ang mga hindi pagkakaunawan ng mga naninirahan dito. Ang Teniente del Barrio ang responsable sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan. Ang mga naunang Teniente del Barrio: Pablo Hilario Lucio Valdez Doroteo Salvador Hermogenes Dela Cruz Julian Santos Ignacio Oliveros Jacinto Luis Braulio Salvador Sancho Dizon Hermo...
Comments
Post a Comment