Sementeryo ng Paniqui

Ang sementeryo ng Paniqui ay may natitira pang bakas ng 19th Century (taong 1801–1900) o Spanish Colonial Philippines. Ang lugar na ito na matatagpuan sa sementeryo ay gawa sa mga bloke ng adobe sa halip na ladrilyo (bricks). Ang adobe ang isa sa pinakaunang material na ginagamit sa paggawa ng mga istraktura. Ang gate o pasukan ay humahantong sa isang tinatawag na “ermita” o kapilya.

Ang mga ito ay iilan na lamang sa mga natitirang koneksyon ng ating bayan sa nakaraan.

Ang ilan sa mga naunang puntod ay nakasulat pa sa salitang Spanish. Kasama ito sa tinatawag na Central Luzon Heritage Cemetery.

19th Century Cemetery, Paniqui, Tarlac 

 




Tingnan ang post sa facebook. 

Comments

Labels

Show more