Lumang Sementeryo sa Samput
Dating sementeryo o "sementeryong Kastila" sa Samput?
Maaaring ang lokasyon ng sinaunang libingan sa Paniqui bago naipatayo ang sementeryo sa Santo Rosa Street na may gate na tinatawag na "arko" at chapel na gawa sa adobe, ay sa Samput.
Ayon sa report ni Father Domingo Andres noong siya ang Parish Priest ng Paniqui na inilathala naman ng UST sa kanilang Boletin Eclesiastico de Filipinas, volume 63:
"Ang lokal na simbahan ay nagmamay-ari ng:
1)...; 2)...; 3) lupain sa may 1½ kilometro timog na bahagi ng bayan, sa kanang bahagi ng daan papuntang Gerona, na dating sementeryo; 4) isa pa din lupain sa lokasyon ding iyon ay dati ding sementeryo; at 5)..."
Ayon sa mga ulat at kwento ay may mga lumang puntod (pa) at mga nahukay na kalansay sa lugar na ito (noon) at may mga impormasyon na isinalin ng mga lolo at lola sa tuhod sa mga nakatira dito.
Tingnan ang post sa facebook. ←
Comments
Post a Comment