Sa Dulo ng Samput

Ang pangalan ng barangay ay mula sa salitang Pangasinense na "Samput" na ang ibig sabihin ay "End" or "Last part".

Noong 1850, si Don Fructuoso Velasco ng Vigan, Ilocos Sur at ang asawa niya na si Raymunda Sanchez ng Sta. Barbara, Pangasinan kasama ang isang paring Espanyol ay dumating sa Paniqui. Una silang nanirahan sa lugar kung nasaan ngayon ang Paniqui Public Market. Kinalaunan ay lumipat sila sa mas malawak na lugar sa may katimugang bahagi ng simbahan daan papuntang Gerona. Ang lugar na nilipatan at tinirahan nila ay dulo na noon ng sentro ng bayan. Naglaon ay dumating naman sa lugar na ito ang mga Castillo, Lomboy, Dacuma at Delos Santos.

Dumaan ang panahon, ang mga mamamayan ay tinawag ang lugar na ito na "Samput" dahil sa kanyang lokasyon.

Sa maikling panahon, mula sa limang pamilya lamang ay mabilis na lumago ang papulasyon nito hanggang maitatag bilang isang barrio noong 1875. Si Don Fructuoso Velasco ang Kapitan o Cabesa de Barangay noong 1876.

Sakop ng barrio Samput ang sitio Mananglay, sitio Abogado at sito Saquisi. Naglaon ay kinuha ang sitio Abogado ng Estacion noong itinatag ito noong 1892. Ang sitio Saquisi ay naging isang barrio noong 1922-1925 lamang.

Ang sitio Mananglay ay nanatiling sakop ng Samput.
 

History of Barangay Samput, Paniqui, Tarlac




“Barangays.” Municipality of Paniqui Tarlac | Official Website of Municipality Paniqui Tarlac, https://paniquitarlac.gov.ph/Barangays/. Accessed 13 October 2021.

Comments

Labels

Show more