Kung naabutan mo ang tore sa loob ng plaza, mag asawa ka na!
Photo/Antoni Jeorge Garcia |
Photo/Antoni Jeorge Garcia |
Noong bata ako, dahil malapit lang naman kami sa plaza, lagi akong nakakapasyal dito. Lalo na at sa Gabaldon pa naman ako nagaaral. Wala akong larawan na nakaupo sa leon, na bantay nung boy scout. Bihira lang kase ang may camera noon. Kung meron ka, sosyal ka. Pero merong mga photographer na nakaantabay sa plaza! Mga professional sila. Pwede mo silang kausapin na kuhanan ka nila at ihahatid nalang nila sa bahay ninyo kapag nadevelop na. Siyempre ang bayad ay kapag naibigay na sa iyo ang larawan.
Kaya yung mga nagliligawan noon ay walang remembrance sa plaza dahil siguradong nanay mo ang makakatangap nung picture mula sa photographer. Char!
Magagaling sa Geography ng Pilipinas ang mga bata noon dahil sa tuwing dadaan sa plaza ay makikita mo ang napakalaking globo. Magpapagalingan pa kayo ng mga kaklase mo o kaibigan mo habang may hawak na iskrambol kung nasaan ang Luzon, Visayas o Mindanao.
Tapos, pag malapit na mag graduation, nagdadasal ako na sana magkaroon ng Honor sa klase para makakain ulit ako ng sphagetti ng Cyndys! It's the place to be eh!
Ikaw, anung istorya mo?
Tingnan ang post sa facebook. ←
Comments
Post a Comment