Posts

Showing posts from 2019

Ang Alamat ni Asiong at ng Barangay Barang

Image
Isang grupo ng mga dayo mula sa Paoay, Ilocos Norte ang napadpad sa lugar ng kasalukuyang Barang noong 1775 sa pamumuno ni Simon Bayno via Camiling na noon ay isang progresibong baryo pa lamang ng Paniqui. Tinawag ng mga dayong ito ang kanilang nadiskubring lugar bilang San Juan Del Monte bilang pagpupugay sa kanilang patron na si San Juan Del Mundo. “Monte” ay salitang Spanish na ang ibig sabihin ay burol o bundok sapagkat ang lugar na ito ay mala-bulubundukin na sinasakop ng makapal na kagubatan. Nagtayo ang mga dayuhang ito ng mga kalapaw o bahay-kubo at nilinis ang mga lugar na angkop para pagtaniman. Sa maikling panahon lamang, ang grupo ng dayuhang ito ay naging isang komunidad at dumami ang populasyon at ang San Juan Del Mundo ay naging isang baryo noong 1795. Noong 1805, isang panday mula sa Pangasinan na nagngangalang Asiong ang nagtungo sa lugar na ito upang itinda ang kaniyang mga “barang”. Ang barang ay salitang Pangasinense na ang ibig sabihin ay “bolo”. Alam ni Asiong na

Lumang larawan ng Cojuangco School

Image
Lumang larawan ng Cojuangco School.  Proud school ng ating butihing Mayor at mga kilalang Paniqueño sa loob at labas ng bansa. Photo/Arnaldo Chichioco Tingnan ang post sa facebook.  ←

Estacion

Image
Naitatag ang Barangay Estacion noong November 24, 1892 dahil sa pagbubukas ng istasyon ng tren. Ito ay matatagpuan wala pang isang kilometro ang layo mula sa Municipal Hall of Paniqui. Naging sentro ito ng kalakalan noong panahon ng Espanyol at pinangalanan dahil sa Ferrocarril de Manila-Dagupan na nasa gitnang kalye ng barangay. Hindi lamang ito istasyon kundi isang “junction” para sa linya ng Camiling at San Quintin.  Ito rin ang tinatawag ngayon na Muslim Capital ng Paniqui kung saan matatagpuan ang Estacion Mosque. Paniqui - View of the main station, right, and island platform for the branch lines, left. Taken from the northern end, looking south. 1938. Photo: Manila Railroad Annual report. Paniqui - View of the branch line railmotor and island platform. 1950s. Paniqui - View north of crossing a south passenger, from the southern end of the station. 1950s. Lumang disenyo ng selyo

Tunay na kahulugan ng Malatarlak

Image
Taliwas sa nakasanayang paniniwala na ang pangalan ng lalawigan ng Tarlac ay mula sa uri ng talahib na "malatarlak", ang Tarlac sa lumang diksyonaryo ng Spanish-Tagalog ni Pedro Serrano Laktaw noong huling bahagi ng 1800s ay nangagahulugang "Tubo" o Native Sugarcane. Kung kayat marahil ay hindi na muling ipinagdiriwang ang Malatarlak Festival. Reference: “The Beginnings of Tarlac.” Wayback Machine , https://web.archive.org/web/20160122230159/http://visit-tarlac.com/the-beginnings-of-tarlac. Accessed 4 Nov. 2021. Accessed 15 June 2019.

Executive Order 1920 ang paghiwalay ng Ramos

Image
Ito ang kopya ng EXECUTIVE ORDER 1920 na ang Pance, Guiteb, San Raymundo, Toledo, Coral at Bani ay pormal na hihiwalay na sa Paniqui at mapapasailalim sa isang independent Municipality na tatawaging “Ramos”. Reference: Executive Orders and Proclamation, Issued by the Governor-General During the 1920. Manila, Bureau of Printing 1921. Tingnan ang post sa facebook. ←

Istatwang gumagalaw sa TARNAVOC

Image
Isa ka din ba noon sa mga natatakot at naniniwala na gumagalaw ang istatwa tuwing gabing madilim sa TARNAVOC? TNVHS Photo/CTTO Tingnan ang post at mga reaksyon sa facebook . ←

Ang pinakaunang Miss Paniqui

Image
Mercedez Santos Pazcoguin Ang kanyang larawan pagkatapos ng coronation ceremonies. Photo/Lito Ramos, Paniqui, Tarlac Tingnan ang post sa facebook . ←

Jose Sumulong Cojuangco Jr. Paniqui Mayor 1959-1961

Image
Mas kilala bilang Peping Cojuangco. Siya ay naging #1 kagawad ng Paniqui mula 1955 hanggang 1957. Naging Vice Mayor hanggang 1959 at naihalal naman siya bilang Mayor ng Paniqui mula 1959 hanggang 1961. Tingnan ang post sa facebook. ←

Opisyal na Logo ng Bayan ng Paniqui

Image
Ito ang opisyal na selyo ng Munisipalidad ng Paniqui na aprubado ng National Historical Institute na ngayon ay National Historical Commission of the Philippines. Minsan ay tinatawag natin itong “logo”. Ang simbolo na nasa apoy ng sulo o “torch” ay isang gulong o “wheel”. Sinisimbolo nito ang iba’t ibang negosyo at pangkalakan sa loob ng ating bayan. Ang katanungan naman kung bakit 1986 ang nakalagay dito ay simple lamang ang sagot, nakasaad na ang 1986 ay, “A year of a new beginning not only for Paniqueños but for the Filipinos”. Tingnan ang post sa facebook . ←

Lumang larawan ng Boy Scout sa Paniqui Plaza

Image
Ito ang mga lumang larawan ng Boy Scout sa ating Plaza noon. Maaaring siya si First Class Scout Benecio Suarez Tobias ng Tarlac! Isa siya sa 24 na delegado ng Pilipinas para sa 11th Boy Scout World Jamboree sa Greece noong 1963. Sa kasamaang palad, nasawi sila kasama ang iba pang pasahero dahil bumagsak ang sinasakyan nilang eroplanong United Arab Airlines Flight 869 papuntang Athens, Greece noong July 28, 1963. Ang kanilang mga monumento ay ginawa bilang pagpupugay at ipinangalan sa kanila ang ilang mga kalye sa Maynila at ibang parte ng Pilipinas. Ito ang listahan ng mga nasawi: Scouts: Air Scout Observer Ramon Valdes Albano (Manila Council) Senior Scout Pathfinder Patricio Dulay Bayoran (Pasay Council) Air Scout Observer Gabriel Nicolas Borromeo (Manila Council) First Class Scout Roberto Corpus Castor (Quezon City Council) Senior Scout Pathfinder Henry Cabrera Chuatoco (Manila Council) First Class Scout Victor Oteyza de Guia (Baguio Council) Life Scout Jose Antonio Chuidian Delgado

Paniqui Fashion School

Image
Alam nyo ba na noon tuwing graduation ng Paniqui Fashion School ay pinapanood at dinarayo ito ng maraming tao dahil hindi lang ito basta isang graduation ceremony kundi dahil isa itong Fashion Show?! Sinusuot ng mga magtatapos ang kanilang mga tinahing obra maestra! Unang magpapakitang gilas ang mga ga-graduate sa kanilang suot na damit pangkasal na may kasamang pang Groom at abay! Sa ilalim ng wedding gown ay may dalawa pang klase ng kasuotan. Sa entablado, huhubarin nila ang wedding gown at lilitaw naman ang isang filipiniana o baro't saya at sa loob noon ay meron pang sports attire! Ang pang finale, bongga! bathing suit! Bago itinatag ang Paniqui Fashion School noong 1947, nagumpisa muna ito bilang dress shop. Dahil sa dami ng mga customers na ang iba ay mula pa sa ibang bayan, hiniling ng mga mamamayan lalo na ang mga kababaihan ng Paniqui na magbukas ng paaralan sa pagtatahi. Dito na nagbukas ang Paniqui Fashion School. Sumunod namang itinayo ang Wilhelmina Fashion School, Reb

Taga Paniqui South ka kung

Image
Natatandaan mo ang dating ancestral house sa tapat ng school. Ang mga dialect sections. Ang lumang bahay ng Home Economics. Alam mo ang bantay na sirena at isda. Gumagamit ka ng dahon ng 'pakiling' pag naglilinis ng desk. Sumusuot ka sa silong ng main building na puno ng sapot pag naglalaro ng taguan. Pag bakanteng oras o walang guro ay pupunta kayo ng barkada sa grandstand at maglalaro ng sipa or tumbang preso. Mga teacher mo na itinuring mong pangalawang magulang. Anu pa naaalala mo? Ang mga larawan ay mula kina Honorio Alonzo, George Palaganas, Jean Joseph (Ancestral House), Vic Pontanilla at mga miyembro ng FB Group ‘Taga Paniqui South Ako Kung'. Tingnan ang post sa facebook. ←

Don Domingo Palarca, Presidente ng Paniqui 1900-1901

Image
Ang Paniqui noong panahon ng Military Government (Philippine-American War 1899-1902) ay pinamunuan ni Don Domingo Palarca mula January 1900 hanggang June 1901 sa titulo na Presidente. Ang kaniyang panganay na anak naman na si Sisenando Palarca ay naging Representative ng 1st District ng Tarlac sa 7th Philippine Legislature mula 1925 hanggang 1928. Ang mga Palarca ang nagtatag ng CIT Colleges sa harap ng Paniqui Plaza na kung saan ay dating nakatayo ang kanilang ancestral house. Photo/History of Paniqui 1712 - 2012 Alberto P. Gamboa Tingnan ang post sa facebook. ←

Labels

Show more