Posts

Showing posts from 2021

Salomague

Image
Christmas Attraction in Barangay Salomague. Photo/M. Mamucod Ang pangalan ng barangay ay nagmula sa puno ng sampalok na tinatawag ng mga Pangasinense na "salomague" na noon ay napakarami sa lugar na ito. Sa mabilis na paglago ng papulasyon, itinatag ito bilang barrio noong 1901 pagkatapos ng Philippine-American War. Ayon sa available na dokyumento, ang unang nanirahan dito ay ang pamilya ni Don Paponcio Feliciano at sumunod naman ang mga Oliveros, Peralta, Villegas, Valdez, Salvador, De Vera, De Guzman, Balacang, Flores, Mamucod, Santos, Bromeo at Hilario. Meron itong Tenencia o iyong lugar kung saan nagpupulong ang mamamayan para pag-usapan ang mga pangyayari at ang mga hindi pagkakaunawan ng mga naninirahan dito. Ang Teniente del Barrio ang responsable sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan. Ang mga naunang Teniente del Barrio: Pablo Hilario Lucio Valdez Doroteo Salvador Hermogenes Dela Cruz Julian Santos Ignacio Oliveros Jacinto Luis Braulio Salvador Sancho Dizon Hermo

Video: Ang Pelikulang Bala Ko Ang Hahatol sa Paniqui Coliseum 1985

Image
BALA KO ANG HAHATOL 1985 starring Mel Francisco, Nina Sara & Robin Padilla. Ang mga piling eksena ay kinunan sa Paniqui Coliseum o sabungan sa Bugallon Street. Tingnan ang post at mga reaksyon sa facebook.  ←

Lumang Sementeryo sa Samput

Image
Dating sementeryo o "sementeryong Kastila" sa Samput? Maaaring ang lokasyon ng sinaunang libingan sa Paniqui bago naipatayo ang sementeryo sa Santo Rosa Street na may gate na tinatawag na "arko" at chapel na gawa sa adobe, ay sa Samput. Ayon sa report ni Father Domingo Andres noong siya ang Parish Priest ng Paniqui na inilathala naman ng UST sa kanilang Boletin Eclesiastico de Filipinas, volume 63: "Ang lokal na simbahan ay nagmamay-ari ng: 1)...; 2)...; 3) lupain sa may 1½ kilometro timog na bahagi ng bayan, sa kanang bahagi ng daan papuntang Gerona, na dating sementeryo; 4) isa pa din lupain sa lokasyon ding iyon ay dati ding sementeryo; at 5)..." Ayon sa mga ulat at kwento ay may mga lumang puntod (pa) at mga nahukay na kalansay sa lugar na ito (noon) at may mga impormasyon na isinalin ng mga lolo at lola sa tuhod sa mga nakatira dito. Tingnan ang post sa facebook.  ←

Thomas Bright Embry

Image
Thomas Bright Embry Dr. Embry ang tawag sa kanya ng mga mamamayan sa Paniqui noong siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa Clark Street dahil sa pagbibigay ng serbisyong medikal ng libre. Umabot sa punto na ang kanilang tirahan ay tila na isang hospital. Si Thomas Bright Embry ay naging bahagi ng U.S. Military sa panahon ng Spanish-American War noong 1898 na naunang ipinadala sa bansang Cuba bago naitalaga sa Pilipinas.  Noong 1908 ay napangasawa niya si Valentina Valdez at nagkaroon ng 9 na anak. Ang anak ni Thomas Embry na si Benjamin Embry ay kasama sa 26th Cavalry Troop C at nakaligtas sa Bataan Death March. Noong World War II ay ang hindi magandang tagpo para sa mga Amerikano sa Pilipinas kung kayat itinago ng mga mamamayan ng Paniqui ang pamilyang Embry sa mata ng mga Hapon. Noong September 18, 1945 ay namatay si Thomas Embry sa sakit na pneumonia at inilibang sa Paniqui Municipal Cemetery. Siya ang unang Amerikano na nailibing dito. Mga Pulis ng Paniqui noong 1968 kasama si B

Balaoang Kabalawangan

Image
Sa kadahilanang kulang o "hindi available" ang anu mang talaan ng kasaysayan ng Barangay Balaoang, ang mga impormasyon ay mula sa mga mamamayan nito na mula edad 75 pataas na naninirahan at lumaki sa lugar na ito. Ayon sa kanila, ang mga unang nanirahan dito ay ang mga pamilyang nagmula sa isang lugar sa La Union na tinatawag na "Balawan". Lumikas ang mga taga Balawan at napadpad sa lugar na ito malapit sa ilog. Tinawag nila itong "Kabalawangan" katulad din nang pinagmulan nilang lugar. Kinalaunan ay naitatag ito bilang isang barangay at tinawag na itong Balawang o Balaoang. May mga nagsasabi na ang pangalang Balaoang ay nagmula sa "bawang" o garlic sa ingles. Samantala, kung titingnan ang kasaysayan at heograpiya, may bayan sa La Union na tinatawag na Balaoan na napapalitan ng baybay sa mga talaan ng kasaysayan bilang "Balaoang" o "Balauan". Isang epikong istorya na kanilang pinaniniwalaan na nakakatuwa ngunit nakakainteres n

Pagdating ng mga Thomasites sa Paniqui

Image
Noong 1901 sa pamumuno ni Don Juan Colendrino bilang Presidente ng Paniqui, dumating ang mag-asawang Sargents na Thomasite. Ang Thomasites ay ang mga gurong Amerikano na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas para magtatag ng bagong sistema sa edukasyon. Nahanapan ni Don Juan Colendrino ng matutuluyang bahay ang mag-asawa, isang bahay ng "insurecto". Ayon sa mananalaysay ay maaaring ito ay bahay ni Don Gregorio Garcia na malapit sa palengke at nakaharap sa plaza. "Isang hagis ng bato" ang layo mula sa lokasyon ng Gabaldon ngayon (PNCES). Ito ang mga detalye sa naisulat na alaala ng Amerikanong guro: 1. May mga sundalong Amerikano na naka pwesto sa kumbento at ang kanilang pinunong opisyal ay nakatira sa kanto ng parisukat [plaza].  (Ito ay maaaring ang lumang bahay ng mga Fernandez, kanlurang bahagi ng plaza). 2. Nadatnan nila ang dalawang guro sa nagiisang eskuwelahan at nagiisang silid-aralan sa silangang bahagi ng plaza na sina Don Elias Ubaldo at Doña Asuncion

Lumang larawan ng Paniqui Cockpit Arena

Image
Photo/Chichioco Family   Tingnan ang post sa facebook.  ←

Tablang Unla tayo diman ed abong a tinabla

Image
Noong panahon na sakop pa tayo ng mga Espanyol, ang ilog ng Tablang ay napakalalim. Dumadaloy ito hanggang timog na bahagi ng Lingayen Gulf. Ang mga produkto mula timog patungong hilaga at hilaga papuntang timog ay dumadaan dito gamit ang mga bangka bago daanan ang Acocolao, na noon ay ang sentro ng Bayan ng Paniqui. (Kung saan bininyagan si Sultan Alimudin ng Kristiyanismo). Noong inilipat ang Paniqui mula Acocolao sa permanente nitong lokasyon kung nasaan ito ngayon, isang mayamang negosyante mula Lingayen na kilala bilang Don Alejo Reyna ay nagtayo ng isang malaking bahay na yari sa kahoy malapit sa ilog, katimugang bahagi ng kasalukuyang Burgos Street para maging bodega. Iyon lamang ang natatanging bahay noon sa buong paligid. Ang mga Pangasinense ay tinatawag itong "Abong a Tinabla" na ang ibig sabihin ay bahay na gawa sa kahoy o tabla. Kapag ang mga Pangasinense ay gustong pumunta sa lugar na ito ay sinasabi nilang, "unla tayo diman ed abong a tinabla". Naglao

Poblacion Norte Pugong Cadanglaan

Image
Ang Poblacion Norte ay dating bahagi ng Barrio Poblacion. Ang POBLACION, noong unang panahon ay kilala sa tawag na Pugong Cadanglaan. Cadanglaan ang ibig sabihin ay sagana sa halamang lagundi o dangla. "Pugo" ay salitang ilokano na ibig sabihin ay gubat. Ang Pugong Cadanglaan ay hindi sentro ng Paniqui noon dahil ang Pueblo de Paniqui ay ilang beses nagpalipat lipat ng lokasyon dahil sa mga himagsikan (revolt) at pag atake ng mga Negritos mula sa orihinal na lugar nito malapit sa Agno-Pampanga River hanggang lumipat sa Nagmisaan. Lumipat naman kinalaunan sa Acocolao. Hanggang permanente nang lumipat sa Pugong Cadanglaan kung nasaan ngayon ang simbahan, munisipyo at palengke.  Ang barrio Poblacion, sa mga unang taon nito ay kontrolado ng Presidente/Mayor ng Bayan ng Paniqui. Ngunit noong 1937, sa pamamagitan ng Commonwealth Act, pinag utos na ang lahat ng Poblacion sa Pilipinas ay gawing isang malayang barrio. Taong 1937 din sa pamamagitan ni Don Agustin Del Valle na noon ay M

San Carlos Teniente Fabian Carlos

Image
Noong World War II, ang San Carlos ay naging isang evacuation center ng mga Paniqueño para maka iwas at magtago mula sa kalupitan ng mga Hapon. Dating isang makapal na kagubatan at walang naninirahan sa lugar na ito. Naglaon ang panahon at dumating ang mag asawang Carlos. Kahit wala silang naging anak ay pinilit nilang mamuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng kamote, palay at mga gulay at pagaalaga ng manok at baboy. Dumaan ang mga taon at nakumbinsi nila ang ilan pa nilang mga kamag anak mula sa ibang lugar upang manirahan sa kanilang lugar. Nang dumating ang kanilang mga kamag anak ay nagtatag sila ng isang baryo at naghalal ng isang pinuno na tinatawag na Teniente. Lahat sila ay pinili si Fabian Carlos upang maging kauna unahang teniente. Doon narin sinimulan ni Fabian Carlos gumawa ng mga batas na dapat sundin para sa kanilang baryo. Hanggang lumago ang kanilang papulasyon at napagkaisahan ng lahat na tawagan itong Barrio San Carlos noong 1932 bilang paggalang sa unang nanirahan dit

Kung naabutan mo ang tore sa loob ng plaza, mag asawa ka na!

Image
Photo/Antoni Jeorge Garcia Photo/Antoni Jeorge Garcia Noong bata ako, dahil malapit lang naman kami sa plaza, lagi akong nakakapasyal dito. Lalo na at sa Gabaldon pa naman ako nagaaral. Wala akong larawan na nakaupo sa leon, na bantay nung boy scout. Bihira lang kase ang may camera noon. Kung meron ka, sosyal ka. Pero merong mga photographer na nakaantabay sa plaza! Mga professional sila. Pwede mo silang kausapin na kuhanan ka nila at ihahatid nalang nila sa bahay ninyo kapag nadevelop na. Siyempre ang bayad ay kapag naibigay na sa iyo ang larawan.  Kaya yung mga nagliligawan noon ay walang remembrance sa plaza dahil siguradong nanay mo ang makakatangap nung picture mula sa photographer. Char! Magagaling sa Geography ng Pilipinas ang mga bata noon dahil sa tuwing dadaan sa plaza ay makikita mo ang napakalaking globo. Magpapagalingan pa kayo ng mga kaklase mo o kaibigan mo habang may hawak na iskrambol kung nasaan ang Luzon, Visayas o Mindanao.  Tapos, pag malapit na mag graduation, nag

Sa Dulo ng Samput

Image
Ang pangalan ng barangay ay mula sa salitang Pangasinense na "Samput" na ang ibig sabihin ay "End" or "Last part". Noong 1850, si Don Fructuoso Velasco ng Vigan, Ilocos Sur at ang asawa niya na si Raymunda Sanchez ng Sta. Barbara, Pangasinan kasama ang isang paring Espanyol ay dumating sa Paniqui. Una silang nanirahan sa lugar kung nasaan ngayon ang Paniqui Public Market. Kinalaunan ay lumipat sila sa mas malawak na lugar sa may katimugang bahagi ng simbahan daan papuntang Gerona. Ang lugar na nilipatan at tinirahan nila ay dulo na noon ng sentro ng bayan. Naglaon ay dumating naman sa lugar na ito ang mga Castillo, Lomboy, Dacuma at Delos Santos. Dumaan ang panahon, ang mga mamamayan ay tinawag ang lugar na ito na "Samput" dahil sa kanyang lokasyon. Sa maikling panahon, mula sa limang pamilya lamang ay mabilis na lumago ang papulasyon nito hanggang maitatag bilang isang barrio noong 1875. Si Don Fructuoso Velasco ang Kapitan o Cabesa de Barangay

Munisipyo ng Paniqui 1932

Image
Photo/Philippines of Yesteryears Facebook Page   Tingnan ang post sa facebook.  ←

Alitaptap sa Matalapitap

Image
Ang Barangay Matalapitap ay tinawag noong  "E. BRUMEO", bilang isang sitio ng barrio Estacion. Ang pangalan ng barangay ay kinuha mula sa "alitaptap" na noon ay napakarami sa lugar dahil isa itong mayabong na kakahuyan. Noong naging barrio ang Matalapitap sa taong  1939, wala itong mga tinatawag na sitio. Ang Caniogaan naman na dating sitio ng barrio Estacion ay naging isang hiwalay na barrio noong 1942. Ngunit noong 1946, dahil kakaunti lamang ang papulasyon ng Caniogan, muling ibinalik ito bilang isang sitio ngunit bilang isang sitio na ng Matalapitap. MGA NAGING TENIENTES DEL BARRIO Jose Delos Santos Florencio Dela Rosa Carlos Marcelo Mariano Fernandez Celestino Pasion Ponciano Abril Bibiano David Marciano Abril Carlos Sayo Jose Abril Mark Cojuangco “Barangays.” Municipality of Paniqui Tarlac | Official Website of Municipality Paniqui Tarlac , https://paniquitarlac.gov.ph/Barangays/. Accessed 13 October 2021.

Fernando Poe sa Paniqui

Image
FERNANDO POE JR. sa Magallanes St., Paniqui 1959. Election campaign ni Jose "Peping" Cojuangco kasama si Fernando Poe Jr. (naka sombrero) at ang Canda Singing Sisters.  Photo/Jojo Derecho Chua Tingnan ang post sa facebook.  ←

Labels

Show more